13
Sep
11

Ang Siste Eh: Supsup pa rin

Ito talaga ang dahilan kung bakit hindi ko matanggap ang resulta ng Miss Universe 2011: nang nakaraang taon sumemplang ang sagot ni Venus at natalo; pero ito, pasok sa banga ang hirit ni Shamcey ngunit natalo pa rin. Hindi ko talaga maintindihan. 3rd runner-up lang?!” “If a man wants to marry me he must also love my God.” ‘Yan ba ang pang 3rd runner-up na sagot? Sige sagutin mo. I admit na magaling si Miss Angola pero hindi ako naniniwala na mas magaling ang mga sagot si Miss Ukraine at Miss Brazil kay Miss Philippines. Huwag na natin pag-usapan si Miss China.

Sabi nang ilan kaya naglaban sina Miss Angola at Miss Ukraine ay dahil wala pang nananalong Miss Universe mula sa mga nasabing bansa. Parang politics of inclusion na dapat lahat may chance. So sana Miss United Nations na lang at hindi Miss Universe ang pangalan ng patimpalak. Kasalanan pa pala natin na nanalo sina Gloria Diaz at Margie Moran noon. Problema pa natin na maraming magaganda sa atin at palaging pumapalo sa mga beauty pageants ang mga Pilipina. Hindi maiiwasan na magwala ang ating mga kababayan dahil ibang klase ang ating pagkahilig dito. Parang boxing. (Pinaninindigan ko pa rin na si Onyok ang nananalo sa 1996 Olympics! Mahigit isang dekada na ang nakakaraan at hindi pa rin ako maka-move-on.) The Philippines is a nation of beauty pageants. Bawat sulok ng ating bansa may tagisan ng pagandahan. Mapa-babae, mapa-lalaki, o bading. Hilig? Higit pa dito. It is our life. Alam natin kung sino ang pangit at maganda. Alam natin kung alin ang palpak o pasok sa banga. Alam natin ito dahil parte na ito ng ating kultura. For example, grabe ang suporta natin kay Venus Raj sa malaking bahagdan ng kompetisyon nang nakaraang taon, pero mga Pilipino din agad ang unang pumuna sa kanyang sumemplang na sagot. Kasi alam natin. Dama natin. The major major furor was and is expected.

It is also expected na mananalo ang ating pambato sa Miss Universe 2011. Maganda. Matalino. Magna cum laude. ISKOLAR NG BAYAN! Idagdag mo pa na kinarir ng mga Pilipino ang on-line voting para lang masiguradong papasok sa semifinals si Ms. Supsup. Sa final round hindi niya tayo pinahiya. Uulitin ko: HINDI NIYA TAYO PINAHIYA. Maganda rin naman ang sagot ni Miss Angola at marahil dahil mas maraming beses niyang binanggit ang salitang “respect” kaya nasungkit niya ang korona. Bitter Ocampo lang. Pero sabi nga ni Superstar Marian, “Na-buzzer na nga si Miss Angola, siya pa rin ang nanalo?!” Tama. Na-time is up. Huwag na natin pag-usapan si Miss China. Bakit nga ba palagi kong sinasabing huwag nang pag-usapan si Miss China? Granted na maganda at matangkad si bakla, pero napanood niyo na ba ang video kung saan tinanong siya ng, “Do you think there is life in other planets?” Humirit ang lola mo, “If there is love, there is life.” Lakas ng tinitira mo.

(Lampas na pala ng alas-dose ng tanghali. Lunch na. Sarap ng lunch namin. Lutong Macau.) Bitter Ocampo pa rin.

Maraming issues ang mga Pilipino sa pagkatalo ng ating kandidato sa Miss Universe. Isa-isahin natin:

  1. mas mahirap ang tanong na ibinato sa Miss Philippines kumpara sa Miss Angola
  2. iba ang perspektibo ng karamihan ng mga hurado sa sagot ni Miss Philippines
  3. walang interpreter si Miss Philippines
Totoong mas mahirap ang tanong sa ating pambato dahil sa usapin ng religion. Maliban pa dito, pagpapalit ng religion ang tinanong. Sa anumang usapan at debate, mahirap kapag napasukan na ng religion. Personal kasi ito at hindi nararapat na alamin kung tama ito o mali. Religion is an organized personal belief. The operating term is PERSONAL. Kung anuman ang isagot mo dito, tama dahil ikaw ang tinatanong tungkol sa iyong personal na paniniwala.
Kaugnay ng perspektibo sa religion, inaasahang magkakaiba ang magiging punto de bista ng mga tao. Sa ibang tao, tama si Shamcey at sa ilan naman, mali. Sa mga pa-romantic epek, mali siya dahil dapat ipaglaban ang pag-ibig. (Kalokohan!) Sa mga religious, tama siya dahil God above all. (Naks.) Sa mga taong it depends, dapat ang sagot – ano pa kundi – “It depends!” Pero pinalaking mapagmahal sa Panginoon si Shamcey, ayon sa kanyang ama, kaya hindi nakapagtataka ang sagot. Taga-UP rin ang dalaga at hindi katanggap-tanggap ang, “It depends.” Dapat may paninindigan. Dapat pinaninindigan. 
So ano naman kung si Miss Philippines lang ang walang interpreter? Pagkatapos natin kastiguhin si James Soriano at imungkahi na dapat may interpreter si Venus Raj, ipipilit niyo naman na x-factor ni Shamcey ang kanyang command of the English language?
Ngayon ikumpara mo ito sa tanong kay Miss Angola na kung ano daw ba ang nais niyang palitan sa kanyang physical features at bakit. (Kung bakit naman kasi ang dali ng tanong! Kung bakit kasi hindi siya sinapian ng contestant ng Eat Bulaga sa Mr. Pogi noon na binitawan ang makalaglag-upuang hirit na, “My favorite feature is my graduation feature.” Or “Ang pinakamaganda kong physical feature ay ang aking pagiging mabait.” Tama nga rin naman na walang basagan ng trip pero di ba dapat ang mga adik, ikinukulog?) Di hamak na mas madali ang tanong sa nanalong kandidato. Hindi rin contentious ang topic tulad ng religion. Siguro minalas lang talaga and the rest of the universe must have conspired for Miss Angola. Aminin na natin na maganda si Miss Angola. Ang sinasabi ko lang, hindi katanggap-tanggap na 3rd runner-up lang si Miss Philippines. Siguro kahit 1st runner-up oks pa.
Hindi man nanalo, isa lang ang sigurado ako, the best fans ang mga Pilipino. Super supporters ika nga. Marahil pudpod ang mga daliri kaboboto sa mga on-line polls. Marahil ubos ang broadband load. Marahil kakabahan na ang mga pageant organizers sa konsepto ng Internet polls. Sa dami ng Chinese sa buong mundo, ine-expect mo na sila ang tatabo dito pero hindi. (Siguro kahit sila nalabuan sa kanilang bet. Labo talaga. Hindi ako maka-get over.) Nagkamali sila ng hahamunin dahil sa bansa natin, di bale nang hindi kumain basta meron load ang telepono. Not to mention, ang ibang klaseng dedication ng mga kapatid nating baklush. Magtataka ka kung papaano natalo ang Ladlad ni Danton Remoto. 
Pahabol: kung fans ka ba ni Ms. Supsup, Supsupan ang iko-call dahil hindi talaga magandang pakinggan. 

About these ads

3 Responses to “Ang Siste Eh: Supsup pa rin”


  1. 1 abby
    09/13/2011 at 7:13 am

    i agree with everything you said! ms. angola’s reply to the very simple question was a predicted one. of course, lahat naman sasabihin na wala silang ipapabago sa kanilang pisikal na anyo.. malaking ka-echosan!!! anyway, dapat additional points din ang walang interpreter kasi kapag meron, may time na mag isip ag candidate ng pwede pa n’yang sabihin kasi nga napuputol ang sagot n’ya ng interpreter.. for me si shamcey ang ms. universe 2011!!

    • 2 jheni tomas
      09/15/2011 at 6:00 am

      i agree,,,hindi lang ikaw ang bitter..

      the whole world especially the Filipinos are questioning the results of the ms universe 2011..

      anu bang basis para manalo??dapat ba maitim ang kilikili?? o mahirap ang bansa mo??kalokohan,,,beauty pageant nga dba…pero brains should come with beauty,,,

      MS SHAMCEY SUPSUP is MS UNIVERSE 2011!

      not only for pinoys but for those who are fair enough to say that she’s the one deserving,..someone doesnt need a degree para makita ang totoo!!

  2. 09/16/2011 at 12:21 pm

    I WAS A LITTLE BIT DISAPPOINTED !!
    SHAMCEY SUPSUP DESERVE SOMETHING MORE !!
    KUNG HINDI MAN LANG NYA NKUHA ANG TITTLE NA MISS.UNIVERSE 2011
    sna man lang naging 1ST RUNNER UP XA !!

    fan voting mataas xa !
    pamatay ang tsunami walk !
    hindi gmamit ng interpreter !
    pasok ang sagot !

    tsst tsst tsst !!
    i was a little bit disappointed !!

    SAYANG ANDUN NAH EHH !!!


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


my read shelf:
Jowana Bueser's book recommendations, liked quotes, book clubs, book trivia, book lists (read shelf)

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 666 other followers

September 2011
M T W T F S S
« Aug   Oct »
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
2627282930  

Twitter Updates


Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 666 other followers

%d bloggers like this: