12
Oct
11

Ang Siste Eh: Bentahe ng Team Pogi

Pinanood ko kagabi ang huling laban ng Azkals para sa taong 2011. Nilapa nang ating koponan ang mga pambato ng Nepal sa iskor na 4-0. Tambak. Tatlong manlalaro ang kumana para sa apat na goals: ang magkapatid na Younghusband at si Matt Hartmann. Pare-parehong magaling. Pare-parehong may halong dugong dayuhan. Pare-parehong pogi. Kung usapang-pogi din lamang naman ang pagdedebatehan, maraming masasabi ang Azkals kaya hindi na nararapat pang ipagtaka kung bakit palaging mas maraming kababaihang nanonood ng football kaysa sa mga anak ni Adan. Kung bihirang dumaan ang mga pogi sa iyong tirahan o kung madalas absent ang mga papa sa iyong gimikan, talagang mapipilitang kang bumili ng ticket sa bawat laro ng ating football team. Ano pa ang hahanapin mo: sandamukal na mga pawisang lalaking nabiyayaan ng Banal na Anito ng mga Pogi na naglalaro sa iisang lugar. Wala. Wala na dahil pinakukulong ang mga choosy.

Not to take ANYTHING away from the Nepalese – ranked 31 notches above the Philippines in football – medyo dehado talaga sila dahil lamang ang Azkals sa huling pinagtatalunan sa mga usapang lasing at kanto ukol sa sports. Lamang ang Azkals sa mga hamon ng mga wala nang masabi at wala na sa sarili. Lamang ang Azkals dahil mas pogi sila.

Sabi mo sh*t ako dahil malabo ang argumento ko.

Malabo?

Ilang beses mo na bang narinig ang mga pasaring na, “Yabang! Gusto mo pa-pogi-an na lang?” O kaya, “Akala mo kung sino kang magaling? Eh aspalto na ang katapat ng mukha mo para umayos.” Non-sequitur ika nga ng mga college students na adik si Philo 101. Walang kinalaman basta makabanat. Ganyan talaga ang buhay natin, minsan banatan lang nang banatan. Pero dito na nga pumapasok ang bentahe ng mga nag-uusbungang national sports teams ng bansa. Kahit matalo ay MAS POGI pa rin ang ating team. Lakas-loob kong masasabi na wala pang nakalaban ang Azkals na nalamangan sila sa usaping ito. Kahit marahil pagulungin mo sa putikan si Neil Etheridge o si Anton Del Rosario ay mananatili silang maganda sa paningin kaysa sa kanilang mga kalaban.

Maliban sa Azkals ito rin ang lamang ng Philippine Volcanoes. Swak ang ngalan ng kanilang team dahil ibang klase ang kanilang pasabog. Naaalala niyo pa ba ang kanilang mga hulog ng langit na Bench billboards bago na-eskandalo ang ilang alkalde ng Metro Manila? Tuod lang ang hindi nakakaranas nang pagbabagong-kemikal sa katawan kapag napapadaan sa Guadalupe noon.

Tatlong Konkretong Dahilan:

  1. Dahil madaling makabuo ng mga fans club ang mga poging manlalaro. Kung pagbabasehan ang dami ng mga Twitter followers ng mga Azkals ay hindi na dapat ipagtakang giba ang bumangga sa mga kampon ng Kaholeros. Pustahan: nobenta porsyento ng mga fans ng Azkals ay mga babaeng nahumaling sa ka-cute-an nila. Mahalaga ang mga fans dahil sa kanilang dulot na suporta. Sa isang home game, sila ang magsisilbing sixth man. Pansinin ang Ginebra. Kahit noong mga panahon na mag-isang pasan sila ni Noli Locsin habang nag-iipon ng fouls sina Benny Cheng at Wilmer Ong ay kinakatakutan pa rin sila dahil sa lakas ng kanilang mga supporters. Nag-iiba ang timpla ng laro kapag na-i-involve ang mga fans. Naaalala niyo pa ba ang mga hiyawan sa mga pagkakataong papasok sa laro si Coach Jaworski? Grabe. Pandemonium. Sa mga pagkakataong ipapasok ang anak na si Dudut? Grabe. Apocalypse.
  2. Dahil malamang sa malamang maraming opportunities for product endorsements ang mga poging malalaro. Sa isang bansa na sumpa ang mga sports officials, malaking tulong ang anumang ekstrang kikitain ng mga atleta sa labas ng laro. Naaala ko nang minsan lumaban ang amateur boxers natin isang international competition. Kalunos-lunos ang kanilang pinagdaanan dahil sa kakulangan ng funds. Akalin mong naghiramanan ng mga uniporme. Taragis lang talaga ang mga sports officials ng Pilipinas. Taragis lang. Hindi ko alam kung paano sila nakakatulog ng mahimbing gabi-gabi. Kung endorsements din lamang naman ang pag-uusapan ay di na mabilang sa daliri ang dami ng produktong nakadikit sa pangalan ng Azkals. Ultimong Cortal. Hindi raw ito makakatulong dahil nasisira ang focus ng mga atleta ayon sa mga bitter na kritiko. Tell that to Michael Jordan.
  3. Dahil maaaring balikan ang mga kalaban ng pa-pogi-an na lang kapag natalo. Hindi ko alam kung humihirit din ng ganito ang ibang bansa pero sa atin tanggap na ang ganitong resbak. Kung dito rin lamang naman sa Timog Silangang Asya ay siguradong walang papatol sa atin sa ganitong usapan. Actually, sa kalidad ng hitsura ng mga manlalaro natin sa football at rugby, kahit sa buong Asya. Talo-talo na lang sa Europe at Latin America pero malayo-layo pa naman ang panahon na makikita natin maglaban ang Philippines at Spain so makakapag-ipon pa na ka-pogi-an ang ating mga dating mananakop.

Naalala ko ang mga dating Palarong Panlungsod na sinalihan ng aming paaralan noon. Kumpara sa ibang schools, medyo nakakaangat sa buhay ang mga mag-aaral sa amin. Kaya gayon na lamang ang aming kantiyaw sa kalaban tuwing matatalo na kami sa basketball. “Mas pogi pa nga ang sapatos namin kaysa sa inyo!” Paano ba naman ay aakalain mong may parada ng mga latest Nike shoes kapag naglalaro ang aming basketball team. Simpleng panlilibak pero dama mo ang social class divide. Kaya nga kung mukha na lamang ang pag-uusapan ay hindi masasabing class discrimination dahil may pogi at pangit, mayaman man o mahirap. Tandaan din natin na kapag lumlaban ang Pilipinas sa mga international competitions ay malamang-lamang TAYO ang nasa malas na dulo ng economic spectrum. Inglesero man ang mga Azkals at Volcanoes ay Third World pa rin ang bandilang ipinaglalaban nila. Kaya ipagyabang na natin palagi ang anumang bagay na lamang tayo.

Paano kung nakatapat ng magaling na pogi pa. Case in Point: Cristiano Ronaldo. Eh mas lalaki naman na di hamak si Caligdong kaysa sa kanya. Tapos.

About these ads

0 Responses to “Ang Siste Eh: Bentahe ng Team Pogi”



  1. Leave a Comment

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


my read shelf:
Jowana Bueser's book recommendations, liked quotes, book clubs, book trivia, book lists (read shelf)

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 666 other followers

October 2011
M T W T F S S
« Sep   Nov »
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31  

Twitter Updates


Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 666 other followers

%d bloggers like this: