22
Feb
12

Ang Siste Eh: Si Congressman Di na Feel Maging Kontrabida

Isa sa balitang talagang nakakapang-init ng ulo ang ulat na hindi makabuo ng quorum sa Mababang Kapulungan dahil sa nagaganap na impeachment trial. Kasunod na rito na hindi rin nakakausad ang ilang mahahalagang bills na naka-pending dahil sa inatake na katamaran ang ilan sa ating mambabatas. Para naman kailangan sila sa impeachment trial. Iilan lang naman sa kanila ang meron ginagamapanang mahalagang papel sa trial. Masasabi bang epal lang ang iba? Ito marahil ang dahilan kung bakit bigla akong nakinig sa balitang isang mambabatas ang naghain ng isang House Resolution. Muntik na akong napaawit ng immortal hit ni Etta James na, “…at last.” Panandalian lamang pala ang aking galak.

Paano ba naman si Congressman Aurelio Gonzales Jr., napakatindi ng problema: mga programa at pelikula na kung saan kontrabida ang mga pulitiko. Sa pag-estima ng kagalang-galang na kasapi ng Kamara de Representante, nakakasira sa kanilang imahe ang mga nasabing karakter. Bale ganito ang buod ng House Resolution 2140: “urges the local TV and movie industry to minimize, prevent, or stop typecasting congressmen and congresswomen as villains or crooks in the movies and telenovelas, which create stereotypes or negative public perception against members of the House of Representatives.”

Iba pang mahahalagang punto ni Gonzales:

  1. hindi makatarungan ang mga nasabing karakter dahil sinisira nito ang pangalan ng mga pulitikong nangangalaga ng kapakanan ng publiko
  2. bumubuo ito ng negatibong kaisipan, lalo na sa mga bata, ukol sa mga pulitiko
  3. meron din mga pulitikong naliliko ng landas pero iilan lamang sila
Of course hindi magiging pabor ang mga taong nabibilang sa pelikula at telebisyon; asa pa si Congressman. High blood ang karamihan, base na rin sa artikulong The Real Villain, 2/21/12. Kunin na lang natin ang pinakamahinahon na sagot na nagmula sa MTRCB Chairperson Grace Poe-Llamanzares: “HR 2140 is too specific and exclusive in favoring a specific sector or group which, in this case, are the members of the House of Representatives alone. What about other sectors of society, like the law enforcement groups or those belonging to the Judiciary and Executive branches? If such a resolution is upheld, a domino effect will take place, the implication of which will undoubtedly justify censorship.”

Oo nga naman.

Paano na kung lahat ng sektor sa Pilipinas magreklamo na mali o nakakasira sa kanilang imahe ang nagiging depiction sa film and television? Baka pumasok pa sa isip nila na isa silang marginalized sector at tumakbo sa susunod na halalan bilang sa ilalim ng isang party-list group. Taragis. Makaka-bonding pa nila si Gonzales sa Kamara.

Hindi na bago ang ganitong reklamo. Naaalala ko pa noon ng i-reklamo ng mga pulis ang isang pelikula ni Assunta De Rossi kung saan ipinakitang ganid at marahas ang mga inatasang tagapagtanggol ng mga tao. Corrupt policeman: napaka-eskandalosong konsepto na isinama sa isang mapangahas na pelikula. Talaga nga naman ang mga filmmakers na ito, palagi na lamang nagkukubli sa ambiguous notion of artistic freedom. Parang ganoon din ang dating ng House Bill.

Corrupt politician: napaka-eskandalosong konsepto sa mga local drama series. Talaga nga naman ang mga scriptwriters na ito, hindi na iniisip na nadudungisan ang iniingatang imahe ng mga lider ng ating bansa.

Epic fail lang. Naiintindihan ko din Congressman  naman kung saan ka nanggagaling. Dating pulitiko ang aking ama at masakit din sa akin kapag nage-generalize na kurakot lahat ng pulitiko lalo na at siguradong hindi kabilang dito ang aking erpat. Pero aminin na rin natin na meron mga bulok na politicians; kumbaga isa na itong fact of life. Minsan nga nanonood ako ng isang local action film kasama ang aking ama. Bale true-to-life. Natanong ko si erpat, “Pa, totoo ba na nangyayari ‘yang ganyan na ubusan ng lahi?” Napakabilis ng sagot nito, “Oo. Totoo.”

JOLOGS BREAK:

Balikan muli ang mga huling pangugusap na aking isinulat at masasagot ang tanong na: ano ang pamagat ng local action film na pinapanood naming mag-ama.

Mabalik ako.

The point is no-no ang pagiging onion-skinned sa mga public officials. Or kung hindi naman no-no, please keep it to a minimum. Ito nga ang dahilan kung bakit hindi nababaon sa limot ang kasabihang, “Bato-bato sa langit, ang tamaan huwag magalit.” Kung nakikita lamang tayo na ang ating mga ninuno, pihadong masasambit nilang, “’Nak ng tipaklong. Uso pa ang kasabihan na IYAN?! ‘Di na natuto ang mga Pilipino.”

Isa pang point: hindi na kailangan pagdebatehan pa kung tama o mali ang HR 2140. Hello. Mali. Tapos.

Pero meron ilang magsasabing, “At least si Congressman Gonzales naghahain pa ng mga resolutions kumpara sa ilan nitong kasama,” handa akong magbagi ng tips kung papaano mas magiging populist ang nasabing bill. Oo nga no. Di rin. Naghain ka nga ng resolution pero timang nga lang. Siguro ang consuelo de bobo na lang, mas timang ang panukala laban sa Planking. Kung ako si Congressman, babawiin ko tapos magpapa-presscon para sabihin na, “Joke lang. Ice breaker lang from the impeachment ba.” Dito napupunta ang  buwis ng mga Pilipino.

Good luck Philippines. 

 


1 Response to “Ang Siste Eh: Si Congressman Di na Feel Maging Kontrabida”


  1. 02/23/2012 at 2:10 am

    Great lines!How can i locate a lot more tips concerning wedding chair rental company in Ottignies-Louvain-la-Neuve?


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s


my read shelf:
Jowana Bueser's book recommendations, liked quotes, book clubs, book trivia, book lists (read shelf)

Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,375 other followers

 

February 2012
M T W T F S S
« Jan   Mar »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
272829  

Twitter Updates


Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 1,375 other followers